Lovi Poe ginamit lang ni Jake Cuenca

SINABI ni Jake Cuenca kaibigan lang daw ang turingan nila sa isa’t sa ni Lovi Poe at malabong magkaroon sila ng relasyon.

Tsika pa ni Jake, friendly date lang ang magaganap sa kanila ni Lovi sa Star Magic Ball sa Manila Peninsula Hotel kamakailan. Hindi pa raw siya handang makipag-gilfriend matapos ang break-up nila ni Melissa Ricks.

Itinanggi rin ni Jake na gusto lang niyang pasakitan si Melissa kaya si Lovi ang kasama niya sa Star Magic Ball. Nakapag-move na raw sila ni Melissa at hindi niya magagawang pasakitan ang dating girlfriend.

Samantala, marami rin ang naniniwalang hindi puwedeng magkaroon ng relasyon sina Lovi at Jake dahil nanatiling buo pa rin ang relasyong Lovi at former Congressman Ronald Singson na nasa Hong Kong pa rin hanggang ngayon.

***

ANG lakas ng sex-appeal ni Ellen Adarna na sumabak sa kakenkoyan ng “Bubble Gang” barkada kasama pa ang mga seksi na sina Gwen Zamora, Jackie Rice at Sam Pinto.

Dahil sa lakas ng appeal ay kaagad siyang napasama sa top 10 Sexiest Women ng isang mens magazine at kaagad na kinuhang endorser ng isang alcohol product for one year.

Hindi kami magtataka kung maging “paborito” si Ellen na maging leading lady ng mga sikat na actors sa GMA 7.

Mahiyain si Ellen kaya mailap ito para magpa-interview. Salamat sa gag show na Bubble Gang na napapanood every Friday pagkatapos ng “The Big Thing” sa GMA 7 kaya unti-unti na nakakasanayan nito ang kalakaran sa showbiz at nababawasan na ang pagiging mahiyain.

***

NATARANTA si Rachelle Ann Go sa launching ng album niyang Unbreakable sa Viva office kamakailan dahil kailangang kantahin ang ilan sa nilalaman ng album under Viva Records.

Ang dahilan ay hindi pa gaanong magaling ang bukol na tumubo sa kanyang lalamunan.

“Nagpa-check-up ako dahil sobrang sakit ng aking lalamunan. May tumubong bukol pala sa lalamunan ko. Nakuha naman sa gamot pero pinagbabawal na bumirit ako ng kanta,” paliwanag ni Rachelle Ann Go

Dahil kailangang magparinig ng kanta at kahit natatakot ay bumirit pa rin itong kumanta na mala-broadway ang dating.

Pagkatapos ay kinantiyawan siya ng press. May dinaramdam pa raw sa lalamunan pero ang galing-galing ng bumirit sa pagkanta.

Samantala, sinabi ni Rachelle sa presscon naman ng “Protégé” sa press na ang madalas na pagbirit kaya siya tinubuan ng bukol sa lalamunan.

Kaya ngayon ay hinay-hinay na siyang kumanta at sinang-ayunan niya imbes na magalit ang sinabi ni Ms. Dulce na hindi kailangan bumirit kapag kumakanta para sabihing magaling ang isang singer.

“Tama naman yun. Buti nga sinabi niya (Dulce) yun para maintindihan din ng mga nanonood sa amin. Mahirap din kasi yung lagi kaming bumibirit, nakakapagod din,” say ni Rachelle Ann Go

Kaya bilang isa sa mga mentor ng Protégé, hindi lang niya ibabase sa galing sa pagbirit o performance ang magiging protégé niya. Kailangan yung kakaiba at may may potential na maging star.

Humahataw na ang Protégé sa ngayon na hosted by Ogie Alcasid, Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado.

***

SA FANS day ng PBB Teenstar winner na si James Reid at Tricia Santos sa Grand Terrace kamakailan, nakagugulat ang preparasyon ng fans sa dalawa na tinawag na “Jacia Get Together Party.” Mistulang debut ni Tricia ang okasyon na nag-aabang sa ibaba ng hangdanan si James na may dalang bulaklak habang hinihintay sa pagbaba si Tricia.

Ginagastusan talaga ng Jacia fans ang tandem nina James at Tricia kaya kahit hindi sila ang ginawang loveteam ay pursigido ang kani-kanilang fans na manawagan sa ABS CBN na kahit isang project ay makita nila na magkatambal ang dalawa.

Sabi ng Jacia fans, kahit ano mangyari ay solid pa rin sila at hindi magbabago para suportahan ang tandem nina James at Tricia, kesehodang iba ang ginawang ka-loveteam ni James.

In fairness kay Tricia, maganda ito at may dating kung bibigyan lang ng pagkakataong maipakita ang talent, lalo na kung ni James ang maka-tandem.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply