Lovi Poe one-man-woman pero inaming naging battered GF siya

PINAG-UUSAPAN na naman ang naging relationship ni Lovi Poe sa mga nakaraang relasyon niya. Kasi ba naman ang pelikula niyang “My Neighbor’s Wife” ay hinggil sa infidelity o ‘yung katapatan sa mga karelasyon.

Sa interview kay Lovi ng Paparazzi ng TV5, nasabi niyang kapag siya’y may karelasyon, faithfull talaga siya.

Ani Lovi: “Kapag ako may karelasyon, tapat ako sa boyfriend ko. Never pa naging issue sa akin ang hindi pagiging tapat.“

Maaari raw yung dating nakarelasyon niya ang di tapat sa kanya kaya nagbunga ito ng separation nila dahil ayaw niyang pumayag na may kahating iba.

Pero hindi niya ikinaila na naging battered girlfriend siya. ‘Yung bang nakaranas siya ng pananakit ng karelasyon niya sa kanya.

Ani Lovi: “Di ito yung recently kong nakarelasyon. Iba ito.”

Malapit nang ipalabas ang My Neighbor’s Wife, simula na ito bukas (Miyerkules, September 14) sa mga sinehan sa buong Pilipinas. Kasama niya rito sina Dennis Trillo, Jake Cuenca at Carla Abellana.

Ang pelikula ay isinulat at idinirek ni Jun Lana under Regal Films.

***

Jinkee Pacquiao inaming nasaktan nang husto sa pambabae ni Manny P.

NAGSALITA na rin si Jinkee Pacquiao hinggil sa buhay may-asawa niya sa piling ng kanyang minamahal na si Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Na-interview si Jinkee sa programa ng TV5 na Paparazzi last Sunday at dito’y inamin niyang may alam siya sa ibang babae ni Manny noon.

May time pa na apat na buwang di niya binati o kinausap si Manny dahil na-link ito sa isang dating aktres.

Ani Jinkee: “ Sa galit ko, tiniis ko talaga si Manny, di ko siya kinausap ng apat na buwan. Pero, dapat palang ipaglaban ko ang pamilya ko.

Dapat di ako padala sa ganitong problema. Dapat ipaglaban ko ang pagiging asawa ni Manny at ina ng aming mga anak. Kaya palaban na ako sa ganitong sitwasyon.

“Kaya yung dating na-link sa asawa ko, hindi ko na sila friends ngayon. Hindi ko sila binabati. Bakit pa?

“Kaya naman natuto na ako, hindi ako papayag na masira ng iba ang aming pamilya. Palaban na ako ngayon pag dating sa asawa ko.”

Para raw ma-overcome ni Jinkee ang lahat, ginawa niya ang nararapat. Nagpapaganda siya para sa kanyang sarili. Ganoon din para maging maganda rin siya sa paningin ng kanyang asawa. Nag-mature na siya sa pakikitungo sa lahat at gayundin siyempre sa mahal niyang si Manny.

Anyway, tumutulong  pa si Jinkee sa show ni Manny na “Manny Many Prizes.” Nag-host pa nga si Jinkee last Saturday kung saan ginawa mismo sa Sarangani ang show. Nag-uwi ang pinalad na grand prize winner ng house and lot.

***

Role ni Carmina Villarroel sa ‘Pahiram ng Isang Ina’ siyang-siya sa totoong buhay

TULAD nang pagkakaganap ni Carmina Villarroel sa afternoon soap na “Pahiram ng Isang Ina” bilang maprinsipyong ginang at mapagmahal sa anak, ganon din siya sa tunay na buhay. Alam natin kung paano magmahal si Carmina sa kanyang dalawang anak at sa asawang si Zoren Legaspi.

Kahit busy sa showbiz si Carmina, hindi niya pinababayaan ang duty niya bilang mother at wife ng tahanan. Hands on siya sa pag-aalaga ng kambal nila ni Zoren at inaasikaso rin niya ito bilang asawa.

Saka, pumupuna rin siya sa kanyang asawa para na rin sa ikabubuti nito.

Tulad na lang ng pagpapayo niyang huwag gaanong madaldal sa mga personal life nila. Kasi nga, host na ng Paparazzi si Zoren ngayon kaya kadalasa’y nadadala ito sa mga kuwento niya. Kaya naman gustung-gusto si Zoren ng mga kasama niya sa show at ganun din ng tagapanood dahil may sincerity ito sa kanyang mga sinasabi.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply