LPA sa Pasipiko bagyo na– PAGASA

GANAP nang bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Pilipinas.

Pero ayon sa Pagasa, nasa labas pa ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo na may layong 1,320 kilometro sa silangan ng Visayas.

Sa oras na makapasok sa karagatang sakop ng Pilipinas ay tatawagin ang bagyo sa pangalang Pedring.

Una rito sinabi ni Usec. Graciano Yumul ng DOST-Pagasa, maaaring tumama ang mata ng bagyo sa bahagi ng Batanes.

Sa lawak ng dalang kaulapan ng bagyo, maliban sa Luzon,  maaaring maapektuhan ang bahagi ng Visayas na magdudulot ng mga pag-ulan.

Gayunman maaaring sa susunod na linggo pa mararamdaman ang hagupit ng naturang sama ng panahon.

Dahil dito inalerto na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang lahat ng kanilang Office of the Civil Defense (OCD) sa iba’t ibang panig ng bansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply