LPG magro-rollback bukas

MAGBABABA ng P1 ang kada kilo o P11 kada tangke ang LPG ng mga independent refillers at dealers group simula bukas (Biyernes, Setyembre 2).

Sinabi ni Liquefied Petroleum Gas Marketers’ Association (LPG/MA) Rep. Arnel Ty, bababa ang suggested retail price (SRP) sa P640 mula sa kasalukuyang P651 ang kada 11-kilogram cylinder.

Mas mababa ang SRP ng grupo kumpara sa ibinebentang LPG ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Petron Corp., na Shellane at Gasul.

Base sa survey ng Shell at Petron gasoline service stations sa Quezon City ngayon (Huwebes), ang 11-kilogram cylinders ng Shellane at Gasul ay ibinebenta sa halagang P744 at P724.

Samantala, umapela naman si Ty sa kapwa mambabatas na agad ipasa ang House Bill 3976, na naglalayong magpatupad ng one-time exchange program para sa mga consumer na may nabiling bulok o dilapidated na tangke ng LPG.

“We are determined to remove from the open market and replace all defective and substandard cylinders. This will lessen possible accidental fires that may be caused by unsafe cylinders,” ayon kay Ty, miyembro ng House energy committee.

Umaasa ang mambabatas na sa pamamagitan ng LPG Cylinder Exchange, Swapping and Rehabilitation Program, na itatayo ng Department of Energy, ay magsisiguro na ligtas ang mga ginagamit na tangke ng mamimili.

“The cylinder exchange scheme is just one of the features of the bill, which basically sets the minimum fair standards of business conduct for all LPG industry participants, from importers and refiners down to neighborhood dealers,” pahayag ni Ty.

Ang iba pang awtor ng panukala ay sina Reps. Winston Castelo, Randolph Ting, Dakila Cua, Lord Allan Jay Velasco, Sherwin Tunga, Raymond Mendoza, Rodante Marcoleta, Pastor Alcover Jr., Sharon Garin, Ponciano Payuyo, Mark Sambar, Eulogio Magsaysay, Catalina Leonen-Pizzaro, Salvador Cabaluna III, Michael Angelo Rivera, Rodel Batocabe, Christopher Co, at Alfredo Garbin Jr.

Gumastos ang national government ng Thailand ng katumbas ng P600 million para sa matagumpay na exchange program para sa tinatayang 1.2 million mapanganib na tangke.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply