LTFRB nagbabala sa welgistang transport groups

BINALAAN ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang operators at drivers ng pampasaherong sasakyan na parurusahan ang sinumang sasama sa transport holiday anumang araw mula ngayon.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty Manuel Iwag, boardmember ng LTFRB, inalerto na nila ang lahat ng regional directors ng LTFRB nationwide na i-monitor ang sitwasyon ng transport strike sa nasasakupan nilang lugar at magbigay ng rekomendasyon kung ano ang gagawin laban sa mga magtitigil pasada sa kanilang lugar.

Gayunman, bibigyan naman aniya ng due process ang lahat ng mga pampasaherong sasakyan at pagpapaliwanagin hinggil sa pagsama sa transport strike.

Una rito, kinansela ng LTFRB ang operasyon ng 104 bus ng Corinthian Bus line ni Claire dela Fuente makaraang mapatunayang nagsagawa ng transport strike kamakailan.

Nagsabi naman ang militanteng transport group na Piston na sila ay patuloy na magsasagawa ng transport holiday kahit na pinulong na sila ni Pangulong Benigno Aquino III.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply