LTO bukas sa imbestigasyon ukol sa nawawalang luxury cars

NAKAHANDA ang pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) na paimbestigahan sa Kongreso ang pagkawala ng mga mamamahaling sasakyan sa Subic, Zambales kamakailan.

Ayon kay LTO Spokesperson Daisy Jacobo na magandang pagkakataon ito upang maipaliwanag ang isyu at maibigay ang kanilang panig kaugnay sa tunay na naganap.

Tiniyak ni Jacobo na lahat ng mga sasakyang bumibiyahe sa kalsada ay may kaukulang dokumento mula sa LTO.

Katunayan, higit na marami ang requirement para sa mga imported motor vehicle kabilang ang original invoice sale certificate o payment taxes at confirmation of Customs payment, Police clearance mula sa Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG), insurance certificate of cover at iba pa.

Maging ang early warning device at tax identification number ng may-ari ng sasakyan ay isa rin sa mga requirement para sa imported motor vehicle.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply