LTO paiimbestigahan ng transport group sa DOTC

PAIIMBESTIGAHAN ng transport group sa Department of Transportation and Communications (DOTC) ang ulat na ang Land Transportation Office (LTO) ang sentro ng carnapping sa bansa.

Sa panayam, sinabi ni Seny Maranan ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na dapat suriing mabuti ng DOTC ang usaping ito dahil malaking balakid ito sa magandang reputasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Aniya, dapat ring higpitan ang pagrerehistro ng mga sasakyan.

“Dapat talagang higpitan ang rehistro ng mga sasakyan kase ngayon kahit nasaan ka maaaring mairehistro ang sasakyan eh at hindi mo alam na ang nirerehistrong sasakyan ay karnap na,” pahayag ni Maranan.

Kaugnay nito, minaliit ni Maranan ang pamunuan ni LTO Chief Virginia Torres dahil sa kabagalan na maresolba ang usapin ng pagrerehistro ng mga carnap na sasakyan sa buong bansa.

Binigyang diin ni Maranan, na bukod sa pagiging pikon ni Torres kapag naire-report sa mga pahayagan ang paglaganap ng katiwalian sa ahensiya at pagdami ng mga colorum at mauusok na sasakyan sa bansa ay inaaway nito ang media na dapat sana ay makatulong nito sa pagkakaroon ng tunay na pagbabago sa bansa laluna ang pagwawalis ng korapsiyon sa LTO.

Hinikayat din niya ang Malakanyang na ang ilagay sa LTO ay isang lalaking may puso sa transport sector at may sapat na kaalaman na pamunuan ang ahensiya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply