Luzon, Visayas kasama ang Metro Manila magiging maulan

MAKARARANAS ng mga manaka-nakang pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon, Visayas kasama na ang Metro Manila, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sa ulat ng Pagasa ito ay dahil sa umiiral na Inter-Tropical Convergence Zone (ICT).

Nagpaalala ang Pagasa sa publiko na magdala ng mga pananggalang sa ulan.

Nagbabala rin ang ahensya sa posibilidad ng pagbaha at landslides.

Samantala, may namataang tropical depression ang Pagasa sa hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Inaasahang bukas (Linggo) ito papasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Gayunman, hindi nakaaapekto ang naturang tropical depression sa mga nararanasang pag-ulan sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply