Mababago ba ni PNP chief ang mga pulisan?

DARLING of the press si PNP chief Nicanor Bartolome.

Tuwang-tuwa ang mga batang media kay Heneral Nick dahil kahit natutulog na ito sa pagod ay gumigising pa rin para tumugon sa tawag ng tungkulin.

Mababang loob din ito at nakita ito sa pagtawag niya sa mga maliliit na kapulisan bilang pinagkakautangan niya ng loob.

Ilang sarhento ang kanyang binigyan ng pugay makaraang tanggapin nito ang kanyang puwesto mula kay PNoy kahapon.

Marami, Suki, ang inilatag ni Heneral na kanyang gagawin.

Siyempre pa, wish nating magtagumpay ito.

oOo

Ngayon, para magtagumpay si Heneral, bigyan natin siya ng tips lalo na sa mga nagaganap sa ibaba.

Bahala siyang sumalag sa itaas ukol sa mga problema sa helikopter at iba pang kaaliwaswasan na madalas na kinasasangkutan ng Malakanyang boys.

Basta sa baba muna tayo lalo’t dito natitimbang kung labis o kulang ang kapulisan sa pablik serbis.

oOo

Naglipana ang kotong cops sa mga depektibo na ilaw ng MMDA.

Kasimbilis ng kidlat ang palitan ng mga go at stop sa maraming trapik layt pero hindi yata iniu-ulat ng mga pulis ang depektong ito sa MMDA dahil dito sila kumikita sa ligal at iligal na pangongotong.

Naglipana rin ang kotong cops sa mga dyipni at taxi at lahat ng mga samahan ng dyipni at taxi ay nakararanas nito.

Kotong cops din ang nagpapaiyak sa maraming biyahero, kasama na ang mga may sakay na bakal, semento, pagkain, gulay at marami pang iba.

May kotong cops din  sa problemang gaya ng droga.

At nasasalbeyds ang mga saksi laban sa mga pulisan na ito.

Paano ito, Heneral?

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply