Mabunga ang State Visit ni PNoy sa Tsina

HETO ang ilang mahahalagang usapin para sa bayan.

Intelligence – Dapat suportahan ng publiko ang P66 milyong intelligence funds na hinihingi ng Office of the President sa ilalim ng P1.816 trilyong pambansang badyet sa 2012 para matiyak ang kapayapaan at kaayusan at makuha ang kailangang mga impormasyong hindi basta-basta na kukuha ng ordinaryong mga Filipino.

Maunawaan sana ng mga kritiko ang commander in chief ng bansa na ang Presidente ay kailangang magkaroon ng sapat na makinarya para makuha ang lahat ng mga impormasyon.

China – Isa ako sa mga sumasaludo kay Pang Noy-noy Aquino sa mabunga at kapaki-pakinabang na 5 days na state visit  nito sa China kung saan ay muli silang nanindigan nina Chinese President Hu Jintao na mapayapang resolbahin ang gusot sa teritoryo sa West Philippine Sea. Maging si Zambales Rep.Mitos Magsaysay na numero unong kritiko ni PNoy ay napabilib sa naging performance ni PNoy matapos matiyak ang pagsusulong ng mapayapang solusyon sa pinag-aagawang mga isla at pagkakaroon ng pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa.

Pondo – Sa pondo naman, dapat nating ipagbunyi si PNoy sa pagkakuha ng malaking porsiyento ng Association of Southeast Asian Nations China Investment Fund para sa bansa. Bagama’t walang eksaktong halaga inaasahang makakukuha ang bansa ng mas mahigit sa 10 porsiyento ng pondo.

Pulong – Tagumpay ang pakikipagpulong ni PNoy sa matataas na mga opisyal ng China para lalong mapabuti ang relasyon ng dalawang mga bansa. Sinalubong din si PNoy ni Wu Bangguo ng standing Committee.

Trabaho – Maganda ang pagkuha ng 12,000 nurses, midwives at doctors sa ilalim ng Registered Nurse for Health Enhancement and Local Service na programa ng DOH para matulungan ang mahihirap na mga komunidad sa kanilang kalusugan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply