Mag-asawa, isa pa sinalpok ng bus, todas

TATLONG katao na sakay ng motorsiklo ang namatay matapos salpukin ng rumaragasang bus sa Misamis Oriental, sa ulat ng pulisya.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga namatay na sina Abdul Dariday, misis na si Rosnia at hipag na si Nora Tandayaw, pawang ng Gingoog City.

Agad namang nadakip ang driver ng bus na si Catalino Badana, naka-detain na sa Misamis PNP Highway Patrol Group.

Nabatid na tinatahak ng mga biktima lulan ng motorsilo ang national highway sa Barangay Agay-Ayan,  Gingoog City nang masalpok ng Bachelor bus na may body number 3652 at license plate MVL-493 na minamaneho ng suspek.

Sa lakas ng impact ay dagliang inabot ng kamatayan ang tatlong biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply