Mag-asawang politician malapit nang magkahiwalay dahil sa sikat na aktres at anak ng dating aktor

PAREHONG nasa larangan ng pulitika ang mag-asawa na subject ng blind item natin. May mataas na katungkulan sa kanyang bayan ang lalaki ganun din si babae na isang  punong may mataas na katungkulan sa nasambit na probinsya ng Laguna at dating sexy star sa mga pelikulang kanyang ginawa. Yes, pareho ring galing sa paggawa ng pelikula ang naaturang mag-asawang politician na ngayon. Si lalake ay puro kontrabida roles ang madalas na gampanan nito. Pero sadyang sadyang mabilis ang paghinog sa  larangan ng pulitika dahil bantog at may pangalan sa pulitika ang mga kaanak ni actor-politician. May dalawang movies siya ngayong ginagawa at parehong siya ang bida kung saan sa isang movie ay ang nagbabalik-pelikulang aktres ang sinasabing kanang leading-lady.

Samantala, sa isang pelikula naman ay isang magandang aktres sa showbiz ang leading lady nito. ‘Ayon sa aming source, sobrang malapit daw sa isat isa ang dalawa (actor politician-magandang aktres) at madalas na magdala ng fresh na prutas at flowers sa set itong politician-actor para sa aktres. Kahit ‘yung handler ng nasabing aktres na kasa-kasama nito sa mga syuting ay sobrang nagwawagi dahil nagbibigay pa raw ng extra datung si politician sa naturang bading kapag inaabot na nito ang payment ni aktres. Ano ito suhol?

At dahil sa hindi naman nagpapakita sa set ng pelikula na ginagawa nitong si politician-actor ang asawa niyang isa ring politico kung kaya’t malaya raw ang ating subject na makapagpahayag ng kanyang damdamin sa magandang aktres. Bata pa naman si actor-politician kung tutuusin kaya di rin malayong magkagusto sa kanya ang magandang aktres. Ano sa palagay mo tito Pete? (You should know better amigo. – Ed) Baka naman advance promo na ang panliligaw at panunuyo ni politico sa magandang aktres? Well, ‘yan ay abangan natin at ng isang veteran-writer na minsang nakaalitan ng nasabing aktres.

***

May isang mayamang bading ang sobrang nahuhumaling ngayon sa baguhang sexy actor  na alaga ni Boy Pilapil. Ang namesung ng nasambit na hunk actor na si Norris john  na bida sa pelikulang Ang Batang Ifugao. Napanuod daw at nakita ng nasambit na  mayamang bading ang kaseksihan nitong si Norris John sa you tube trailer ng Batang Ifugao kung saan nakabahag lamang itong guwapong alaga ni Papa Boy to the point na gusto pa raw ng mayamang bading mag-produce ng pelikula na si Norris john ang bida dahil sa kinausap na raw nito ang manager ni Norris. Ang kaso, deadma lang ang bagets na alaga ni Papa Boy. Umiling-iling lamang ito sa tanong kung may karanasan  na ba ito sa bading. Humalakhak lamang nang malutong ang baguhang sexy actor. May katungkulan sa gobyerno sa Ifugao ang mga magulang at kaanak nitong si Norris John  kaya hindi niya siguro kailangang pumatol sa mayamang bading na gusto siyang tikman kapalit ang malaking halaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply