Mag-esep-esep na CCT ni Dinky

MAY hangganan ang Conditional Cash Transfer Program.

Hanggang taong 2015 lamang, sabi ng mga onorabol.

Naaamoy na yata ng mga onorabol kung paano isinusuka ang programang ito.

oOo

Ano ba talaga ang meron sa CCT na yan, huh?

Heto ang nagaganap.

Una, ano nga naman ang mapapala ng isang pamilya sa P1,400-P1,800 kada pamilya na CCT? Sa isang buwan, bale nasa P42-P60 lang ito araw-araw. Maksimum na dalawang kilong NFA rice ito, Suki, pero walang ulam.

Pero marami kang gagawin para makuwalipay. Ipadadala mo ang iyong anak sa iskul o lagi mong ipa-tsekap sa barangay senter.

Mas mahal pa ang iyong gagastusin sa pamasahe sa traysikel kaysa sa matatanggap mong CCT.

Ikalawa, kung hindi ka kamag-anak, suporter o bespren nina kapitan at meyor, nungka na makakukuha ka ng CCT.

Ikatlo, hindi nakalilikha ng trabaho ang CCT at kung may malilikha man ito, walang iba kundi ang pamamalimos.

Ikaapat, marami na ang gumagamit sa CCT para pambingo at iba pang sugal at yung iba ay isinasanla na lang para magkapera.

oOo

Para sa 2012, Suki, P39 bilyon na CCT umano ang ibibigay na limos ni Inday Dinky sa mga pures op da poor.

Tama na mabigyan ng tulong ang mga ito.

Pero kung ikumbert ang limos na yan sa paggawa ng mga iskul at iba pang mga pakikinabangan ng mga barangay na proyekto at isali ang mga benepisyaryo, malayong mas maganda ang maging bunga ng programa.

Mararamdaman ng mga benepisyaryo na ‘di sila namamalimos at pinagpapaguran nila ang kanilang natatanggap.

Kahit doble o triple pa ang halaga ng CCT na kanilang tatanggapin, oki tayo riyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply