Mag-ingat sa pokpok na mandurugas

PARA sa mga kalalakihang mahihilig na pumik-up ng mga babaeng’ bayaran, mangyari ay mag-ingat po kayo sa isang babaeng  nagpapanggap  na nursing student sa Perpetual College sa Biñan diyan  sa Laguna.

Ang tinutukoy ko pong babae ay itong isang nagngangalang Justin Santiago na taga-Pacita Complex.

Madalas na mapagkikita itong si Santiago na nakatambay sa Toyota Philippines sa Sta. Rosa, Laguna na nag-aabang ng kanyang mga bibiktimahing mga mayayamang ‘dirty old man’ (DOM).

Ikinakalakal ni Santiago ang kanyang laman sa mga kalalakihang naghahanap ng panandaliang ‘aliw’.
Sa halagang P8,000 lamang ay masisimsim mo na ang kabanguhan ng maputi at makinis na katawan ni Santiago.

Pero bago mo ibigay ang  presyo na napagkasunduan ninyo ay sisiguraduhin mo muna na hindi ka lolokohin ng babaeng ito.

Marami na kasing nabibiktima ang babaeng ito  sa  mga naging parokyano nito.

Si Odeza na kilalang isang bakla na nag-aalok ng condo ang siyang nagsisilbing ‘bugaw’ ni Santiago sa kanyang mga parokyano.

Madalas na makita si Odezang Bakla na nakatambay  sa Shell  Gas Station sa South Luzon Expressway.

Ibinubugaw ni Odeza  ang kanyang ‘alagang’ siSantiago sa mga lalaking mahihilig na makipag-sex sa mga bayaran.

Ang masakit nito, matapos na makapagbigay ng halagang P10K  ang isang lalaki na nabiktima ng grupo ni Santiago, pagdating nila sa hotel ay inistafa ang pobreng  lalaki.

BAGONG BANGKA NG LOTENG SA QC

May bagong bangka raw ng loteng sa Quezon City at ang mga pangalan ay sina alyas Ben Pulo at Noel Tigas na walang ipinagmamalaki kundi si CIDG Dir. Gen.Sammy Pagdilao at si dating PNP chief Gen. Raul Bacalzo. Naghahari-harian daw ang dalawang operator na ito sa buong Quezon City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply