Mag-live-in partner binoga, dedo

PATAY ang isang magka-live-in partner matapos barilin ng dalawang di nakilalang lalaki sa Quezon City kagabi (Lunes, Setyembre 5).

Kinilala ng pulisya ang biktima na sina Kimura Abdulasiz at ang ka live-in nito na nakilala sa pangalang Jenny, pawang residente ng Area 7 Luzon Ave. Pasong Tamo Q.C.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit naganap ang insidente dakong 8:30 ng gabi sa bahay mismo ng mga biktima.

Sinabi sa ulat na narinig ng isang witness na si Angelita Balunggaya, kapitbahay ng mga biktima habang nanunuod ito ng TV ang sunod sunod na putok ng baril mula sa pangalawang palapag ng kanilang bahay.

Agad na tinungo ng witness ang pinagmulan ng putok at binuksan ang pintuan ng kanilang bahay at nakita nito ang dalawang lalaki na nagmamadaling bumaba sa hagdan mula sa ikalawang palapag ng bahay ng mga biktima.

Agad namang rumesponde ang purok leader ng Pasong Tamo na si Wilson Albay sa bahay ng mga biktima para alamin ang nangyari.

Nakita niya si Jenny na nakahandusay sa kama na wala ng buhay habang ang biktimang si Kimura ay agad isinugod sa East Ave, Medical Center para sa Medical treatment ngunit idineklara itong dead on arrival ni Dra. Jennifer Roson.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo ng pamamaril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply