Mag-utol kulong sa dynamite fishing

SWAK sa kulungan ang mag-utol matapos maaktuhang nangingisda sa pamamagitan ng pampasabog sa Navotas kaninang umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina Remy Lacaba, 31 at kapatid na si Aries, 29, kapwa residente ng Pitong Gatang, Sipac ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10 ng umaga, nagpapatrulya ang mga bantaydagat sa karagatan na sakop ng lungsod nang makarinig ng mga pagsabog.

Agad na pinuntahan ng mga bantay-dagat ang pinanggalingan ng pagsabog at naaktuhan ang mag-utol na gumagamit ng improvised dynamite.

Kasama sa nakumpiska sa mag-utol ay ang mga huling isda, ilang botelya ng pampasabog at bankang walang rehistro.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply