Magallanes Flyover madadaanan na

BUKAS na sa trapiko matapos tuluyang maialis ang mixer truck na naaksidente sa south bound ng Magallanes Flyover, alas-10:00 ng umaga kanina.

Bagama’t wala na ang truck sa lugar, hindi naman ito agad mabuksan dahil magkalat ang semento at krudo.

Sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang driver matapos magkaproblema ang preno ng truck habang pababa ng flyover.

Pasado 1:00 ng tanghali binuksan na sa trapiko ang Magallanes Flyover na nagdudugtong sa EDSA south bound papuntang Osmeña North Bound.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply