Maganda at sexy na aktres natalbugan sa interview dahil intilehente ang isa pang aktres

MINSAN pang napatunayang intelligence is a big plus factor apart from one’s physical endowments. Hahahahahaha!

Maganda naman talaga ang aktres (na vocal at outspoken ang image) na ‘to as compared sa aktres na kasama niya sa isang pelikula pero sa sumatutal, natalbugan siya ng fifty points dahil syongaers siya at di hamak na mas voluble at articulate ‘yung isa pagdating sa pagbi-verbalize ng kanyang inner thoughts or points of view.

Malaking advantage rin ang pagiging well-travelled nu’ng isa kaya sophisticated nang tunay ang kanyang paniniwala sa mga bagay-bagay.

Kahit sa paraan ng pananamit off-cam, eskalera ang choice of clothes nu’ng isa ascompared dito sa kanyang Tagalistang counterpart.

Okay naman sana siya dahil maayos naman niyang naitatawid ang kanyang mga paniniwala sa buhay at napaka-honest naman niya pagdating sa mga bagay-bagay. Pero ‘yun nga lang, she pales in comparison with her learned opponent’s cosmopolitan points of view.

Kung bakit kasi pinag-aaral naman ay wala talagang hilig mag-aral ang aktres na ‘to na seksi at mas curvaceous sana ang katawan as compared to the other actress who is more suited to delineate roles requiring intelligence and cosmopolitan upbringing.

Ang ending, poles apart talaga ang kanilang arrive and the other actresses’ ineptness in delivering dialogs in Taglish necessitates the hiring of a professional dubber for some of her scenes wherein she needs to project a modicum of intelligence.

‘Yun lang!

Kailangan kasi sa isang aktres ay well-rounded ang kanyang personalidad. It’s not enough that she’s good in delivering Tagalog lines, she, too, must learn how to communicate well in Taglish or straight English as the role requires.

Pa’no kasi kung matalinong babae ang kanyang gagampanan? Kailangan bang mag-resort lagi sa isang professional dubber na proficient sa lenggwaheng Ingles?

An actress must always be prepared for such an eventuality.

‘Yun lang!

Si Nora Aunor nga ay hindi naman Inglisera pero kapag binigyan mo siya ng English dialogs, in fairness, ay carry niyang ideliver.

***

Mahusay talagang aktres si Erich Gonzales

ISA sa masasabing well-rounded ang personalidad sa mga aktres natin sa kasaluyan ay itong lead actress sa soap na “Maria La del Barrio” na si Erich Gonzales.

As far as we know, high school graduate lang siya pero carry niyang i-portray ang role ng isang bratty young lady in any soap or movie.

Dito na nga lang sa Maria la Del Barrio ay buong ningning niyang nai-project ang kawalan ng edukasyon ng character na assigned sa kanya in a highly credible and convincing manner.

A couple of months ago, she also did well when she essayed the role of Chloe, an intelligent young girl who happens to fall for someone uncouth and uneducated as convincingly essayed by Enchong Dee, another good actor who fits in well in any role that he’s assigned to do.

Maganda kasi ang upbringing ng batang ito (Erich). She might be busy with her numerous showbiz commitments but she never fails to augment her education or intelligence through reading.

Gawin mo ‘yan, ining, para di kumukuha ng professional dubber ang inyong direktor kapag kailangang mag-project ng intelligence ang role na assigned sa ‘yo.

Acting should be supported with a little reading on the side.

That is the secret of most actors in the States and in the Philippines as well.

Dapat sa isang aktor ay matalino siya para maitawid niya nang maayos ang kanyang pag-arte.

Di naman most of the time ay squatteric characters ang mapupunta sa ‘yo. At one point, you need to project sophistication and being cultured at ‘yan ang kulang sa  ‘yo.

Going back to Erich, aliw na aliw kami sa pag-arte niya the other day bilang walang edukasyong si Maria.

Sosyalan kasi ang eksena pero nagawa niyang maipakita ang kakulangan ng pinag-aralan ng kanyang character in a down-to-earth manner.

‘Yan ang artista, versatile kumbaga.

No wonder, Erich happens to be one of the few actresses that ABS-CBN is honing to become a versatile actress really.

Carry na carry naman kasi niya.

***

Sikat na TV network sumuko na sa kapraningan ng magaling na aktres!

KUNG husay sa pa-arte ang pa-uusapan ay aminado naman ang nakararaming unbeatable talaga ang morenang aktres na ‘to.

Ang kaso, naapektuhan na yata ang kanyang utak sa tinamasa niyang tagumpay at kasikatan kaya parang abno na siya off-cam.

A couple of years ago, she was given the chance to shine by this five-star teevee network but typical of this delusory actress, she mangled everything primarily because of her addiction to vices and drugs.

Aminado naman ang network na super taas talaga ang ratings na nakuha ng soap opera but the superfab revenues would not suffice to the nerve-shattering experience that they had with the drug-addicted actress and casino habitue as well.

Sa tuwing taping day, on tenterhooks ang lahat ng staff ng teevee soap mula sa direktor, kapwa artista, scriptwriter, camera men at kung sinu-sino pang involved sa production.

Di kasi nila malaman kung darating ba ang ‘aning-aning’ na aktres o ibi-bail out na naman nila ito sa kung saang casinong pinuntahan nito. Hahahahahahahahahaha!

Minsan, natagpuan nila ito sa isang out of town casino. Walang tulog, di kagandahan ang amoy at di kalinisan ang itzu. Hakhakhak!

Her hair was stringy, her face a real mess, and her clothes were equally dirty and quite smelly.

Even her shoes were dirty.

Anyway, nadala rin siya ng production people sa studio at pakatapos paliguan at lagyan ng make-up at masilyahin ang sandamakmak na eyebags, ready to shoot na siya.

In fairness, di naman siya nagkakalat on cam and a real pro pa rin pagsigaw ng directed by ng ‘action!’ Hahahahahahahaha!

Kung rating ng show ang pag-uusapan, there is no doubt that she still has tremendous following.

Umabot daw halos sa more than 50 something ang rating ng soap at talagang ang tindi ng kanyang dating more so in the provinces.

‘Yun nga lang, tinigbak ang soap nang mas maaga dahil baka raw atakehin ang mga taong involved dito dahil sa kapraningan ng aktres. Hakhakhak!

Imagine, minsan daw, dahil sa katagalan ng paghihintay sa aktres di na magawang idilat ng mga co-stars niya ang kanilang mga mata (Hakhakhakhakhak! carry n’yo ‘yun?) pero typical of the bangageric (bangageric daw, o! Hakhakhak!)actress, she was in her element and would want to shoot up to the following day. Hahahahahaha!

Carry n’yo ‘yun? Hakhakhakhakhak!

Kaya kahit na ano’ng husay pa niyang umarte at kahit na gaano pa karami ang kanyang following, goodbye and babu na talaga ang production people pati na ang mga co-stars niya. Hakhakhak!

Di na talaga nila kayang papelan ang kapraningan nito pati na ang kanyang weird trippings. Hakhakhakhakhak!

Sa totoo, kung magtitinu-tino lang ang aktres na ‘to, sandamakmak na kadatungan pa ang kanyang kikitain.

Sa totoo lang!

***

Dahil sa mahusay at karespe-respeto: Si Ate Vi ang mag-i-interview kay Ms. Charo Santos-Concio sa 20th anniversary ng ‘MMK’

WE DO have an avalanche of talented actresses in our wake but Ms. Charo Santos Concio has chosen the Queenstar for all Seasons Ms. Vilma Santos to be the one to have the honors of interviewing her for this week’s Maalaala Mo Kaya that signals the month-long special of the said drama anthology.

But why Ate Vi? the antagonist and the intrigeros would ask.

Simple lang, for its month-long anniversary presentation, Maam Charo would like to make use of the finest and most credible talents this side of Hollywood.

And Ate Vi, with her string of awesome accomplishments, not to mention her unparalleled staying power in the business, along with her heart-stopping beauty, fits the bill to a T.

Anyway, after shooting some key scenes for her Star Cinema movie with Kim Chiu, L.A. bound si Ate Vi to join her family and celebrate her natal day as well with people she loves the most.

But the moment she’s back, she says she’s going to host a small get together at the provincial capitol of Batangas with some people she cares for.

Going back to the 20th anniversary of Maalaala Mo Kaya, the first Saturday will feature Angel Aquino in a tour de force performance by way of the picturesque Palawan.

On its 2nd week, the heartwarming story of the tap dancing duo will make you smile while shedding a tear or two.

The 3rd week will feature a moving story about a gay man named Louie as delineated with moving intensity by Jake Cuenca.

‘Yung dalawa pang natitirang episodes (October 22 and 29) ay tiyak na mas kapana-panabik kaya don’t fail to watch it.

***

Mister ni Camille Prats kay daling namaalam

NAGRARADYO palang kami ni Abe sa DWIZ ay marami na pala ang nagti-text sa amin para ipaalam ang maagang kamatayan ng asawa ni Camille Prats na si Anthony Linsangan who died of an ailment diagnosed as Nasal Pharyngeal cancer.

More than 1 year din palang nakipaglaban sa nasabing sakit ang mister ni Camille at nag-expire nga siya morning of September 23 sa Makati Medical Center.

Well, death, so they say, comes like a theft in the night.

Hindi natin alam kung kailan tayo mamamaalam sa mundong ito. And to think that the last time she was interviewed, Camille was the paradigm of optimism when she said that her husband was already on the road to recovery.

Mula sa aming publikasyon, ang aming taos-pusong pakikiramay.

***

Tumigil ka, baliw!

HINDI ko na nga iniintindi ang mga tini-text ng baliw na si Joey ‘Vavalina’ de Castro na nagkukunwaring Noranian gayung common knowledge namang dyed-in-the-wool Vilmanian ang uncircumcized na matandang ulupong na baklang ito.

Pero lately, grabe na ang pamimeste ng baboy na ‘to.

Anyway, I won’t go into some lurid details anymore.

Isuka mo na lang, demonyong matanda, ang mga kinain mo sa bahay namin for the past twenty years or so.

Huwag ka nga palang mag-ilusyon na makababalik ka pa sa pagsusulat dahil kahit saan kita makita, susungalngalin ko ang mukha mong talo pa ang demonyo kaya pati immediate relatives mo ay sinusuka ka.

‘Yung mga sinasabi mo kay Christopher ay gawain talaga ng isang demonyong tulad mo.

Imagine, you have the temerity to say some unspeakable diabolical things about someone who was angelic and most supportive of you.

Makapal talaga ang mukha mo kaya buhay ka pa’y sinusunog na ang kaluluwa mo sa impierno.

Go to hell!

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply