Magbababoy todas sa holdaper

TODAS ang isang 58-anyos na negosyante habang kritikal naman ang tauhan nito nang pumalag sa apat na holdaper at tumangging ibigay ang benta ng karneng baboy Biyernes ng gabi, Setyembre 3, sa Marikina City.

Kinilala ni Sr. Supt. Gabriel Lopez, hepe ng Marikina PNP, ang nasawi na si Meldar Nepomuceno, negosyante ng karneng baboy sa Marikina City Public Market, at grabe naman ang tauhan nito na si Raciano delos Angeles, 20, kapwa nakatira sa 4 Princess Elaine Garden, Narra st., Marikina Heights, ng nasabing lungsod.

Agad na tumakas ang apat na suspek na “riding in tandem” sakay ng kani-kanilang motorsiklo tangay ang ‘di pa batid na salapi buhat sa maghapon na pagtitinda sa palengke.

Sa imbestigasyon ni P03 Bueneres Cruz, Jr., dakong 9:00 ng gabi ng holdapin nang apat ang dalawang biktima pagbaba ng kotse sa harap ng bahay.

Pumalag ang mga biktima ng kuhanin ng isa sa mga suspek ang bag na may laman ng maghapong kita sa benta ng baboy kaya’t binaril ito ng kalibre .45 pistol sa dibdib at isinunod na binaril sa likod si delos Angeles.

Kapwa duguan na bumulagta ang mag-amo at dali-dali naman na kinuha ng apat na holdaper ang bag na naglalaman ng salapi kasabay ng mabilis na pagtakas sakay ng dalawang motorsiklo.

Dinala ng mga kaanak ang biktima sa SDS-hospital para isalba subalit wala ng nagawa mga doktor habang si delos Angeles ay sa Amang Rodriguez Medical Center dinala at ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng insedente ng EPD-Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga basyo ng .45 pistol.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang Marikina PNP upang matukoy ang mga suspek. Cesar Barquilla

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply