Magkaibigan niratrat habang nag-iinuman

PATAY ang 26-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kanyang kaibigan makaraang pagbabarilin ng anim na lalaki habang nag-iinuman sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Namatay noon din sa lugar ng insidente si Jay-Arre Senen, 26, ng 403 Sta. Catalina St., Brgy. Holy Spirit sanhi ng tinamong maraming tama ng bala ng baril sa katawan, habang inoobserbahan pa sa pagamutan si Richard Tabera,32.

Tumakas naman ang anim na salarin na ang isa ay nakasuot puting medical uniform.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang insidente dakong 2:00 ng madaling-araw kanina sa kahabaan ng Sta. Catalina St. Bgy. Holy Spirit, nabanggit na lungsod.

Sinabi ni SPO1 Jun Mortel, nag-iinuman ang mga biktima kasama ang ilang kaibigan sa lugar nang dumaan ang mga suspek sa kanilang kalye.

Sa hindi pa umano mabatid na dahilan ay bigla na lamang nagpaputok ng baril ang mga suspek sa ere na ikinatakot ng mga biktima dahilan para magsipagtakbuhan at magtago.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas ang mga biktima sa kanilang bahay para sipatin ang mga suspek na nagpaputok ng baril subalit nagtatago lamang pala ang mga huli at muling pinagbabaril ang dalawang biktima.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pamamaril sa mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply