Magnanakaw shoot sa kulungan

SWAK sa kulungan ang isang magnanakaw habang nakatakas ang kasama nito matapos na “tirahin” ang transmission ng nakaparadang bus sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Crysler Gotera, 23, ng Phase 8-B, Bagong Silang habang nakatakas ang kasama nitong nakilala sa alyas na Dodong Ilong.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang baklasin ng mga suspek ang transmission ng nakaparadang pampasaherong bus ni Aurora Dalupang sa tapat ng kanilang bahay sa Phase 2, Bagong Silang ng lungsod.

Naunsyami lamang ang plano ng mga suspek nang madaanan sila ng mga rumorondang barangay tanod na isinasakay sa isang traysikel ang ninakaw na transmission na naging dahilan upang lapitan sila at sitahin.

Nahuli si Gotera at nabawi rin ang kinulimbat ngunit mabilis na nakapuga ang kasama nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply