Magsasaka, pinatay sa harap ng pamilya

PATAY ang isang magsasaka nang pagbabarilin sa loob ng kanyang tirahan sa Mexico, Pampanga, kagabi.

Dalawang tama ng bala sa leeg at dibdib ang tumapos sa buhay ni Nicasio de Guzman, 39.

Sa testimonya ni Ria Maninang, maybahay ni de guzman, biglang pumasok ang salarin at hinahanap ang isang nagngangalang Marco.

Bagaman sinabi ng biktima na walang naninirahang Marco sa kanilang tahanan ay pinagbabaril pa rin ito sa harap ng kanyang mag-ina sa Purok 6, Barangay San Jose Malino.

Tumakas ang salarin lulan ng motorsiklo habang hinihinalang mistaken identity ang pamamaslang kay de Guzman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply