Magsyota nagpatiwakal kay bagyong ‘Pedring’

HALOS hindi na makilala ang magsyota na sabay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili sa loob ng kanilang kuwarto sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyong “Pedring” kahapon, Setyembre 27, sa San Mateo Rizal.

Kinilala ang mga biktima na sina Jonathan Quinones Concepcion, 39 at Jonah Rita, 33, ng Blk-43 Lot-14, Phase-4A, Tierra Monte, Brgy., Silangan, nabanggit na bayan.

Nabatid na natuklasan ang naaagnas ng bangkay ng dalawa ng mga makaamoy ng masangsang ang mga kapitbahay.

Isang kalibre 45 na hinihinalang ginamit ng magkatipan sa kanilang pagpapatiwakal ang nakita sa lugar ng krimen.

Hinala ng pulisya na unang pinatay ng lalaki ang kanyang nobya bago kinitil ang sariling buhay.

Inaalam na ang motibo sa pagpapakamatay ng dalawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply