Mahabang gabi mag-uumpisa na mamaya– Pagasa

SIMULA mamayang gabi (Setyembre 22) ay mas magiging mahaba na ang oras ng gabi kaysa tuwing araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon kay acting administrator Nathaniel Servando ng Pagasa, ito ay bunsod ng paglapit ng equatorial section ng mundo sa araw na nagiging dahilan ng mas mahabang oras ng pag-ikot ng mundo sa kanyang axis.

Ang nasabing pagbabago ay tinatawag na Autumnal equinox na hudyat na rin ng mas malamig na panahon lalo na sa gabi na tatagal hanggang sa unang bahagi ng taong 2012.

“Philippine nights will be longer as the sun approaches the celestial equator. Autumnal equinox will occur on September 23 when day and night will have equal length on Earth,” ayon sa Pagasa.

Ayon sa Pagasa, magandang balita ito dahil hudyat na rin ito ng pagtatapos ng pagpasok ng malalakas na bagyo hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bahagi pa ng mundo.

Matatandaang kamakailan lamang ay sunud-sunod na malalakas na bagyo ang nabuo sa karagatang sakop ng Pilipinas na naghatid ng malaking pinsala sa Japan at Taiwan, ngunit lumihis naman sa kalupaan ng ating bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply