Mahigit sa 5,000 taksi phaseout na– LTFRB

TULUYAN nang pinagarahe ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit sa 5,000 hanggang 6,000 taksi magmula noong 2007 hanggang 2011 dahil sa phaseout na ang mga ito.

Ayon kay LTFRB Information Officer Joel Bolano, ito ay 50 porsyento pa lang ng target nilang 10,000 hanggang 12,000 lumang taxi.

Ipinaliwanag ni Bolano na kapag ang isang taksi ay umabot na sa 13 taon ay hindi na nila ito bibigyan ng prangkisa. Ngunit, kung ipako-convert ito sa liquefied petroleum gas (LPG) ay palalawigin pa nila ang operasyon nito ng hanggang dalawang taon bilang insentibo. Kailangan din na ipaayos ang mga sira at depekto nito.

Mayroong 27,000 taksi ang pumapasada sa Kalakhang Maynila, base sa talaan ng LTFRB.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply