Maid kulong sa pagkuha ng pera ng amo

KULONG ang isang housemaid matapos hindi naniwala ang kanyang amo na nabiktima ng dugo-dugo gang dahilan upang kunin ang pera ng huli sa Caloocan City, Biyernes ng hapon, Setyembre 9.

Nahaharap sa kasong qualified theft si Jelin Teodoro, 18, stay-in sa F. Roxas st., ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nang kunin ng suspek ang P100,000 cash sa drawer ng among si Virginia Co.

Tinawagan umano sa telepono ang suspek ng hindi kilalang babae na naaksidente ang amo at kunin ang pera sa drawer dahil kailangang ni Co.

Sumunod naman ang suspek at makipagkita sa babae sa Malabon City Square at iniabot ang pera bago umuwi.

Pagdating sa bahay ay kinumpronta ng amo dahil natuklasan na wala na ang pera at sinabi ng suspek ang nangyari.

Hindi naniwala si Co dahil kung totoo ang sinasabi ng maid ay dapat ipinaalam muna sa kapatid ng una ang pangyayari bago gumawa ng aksiyon.

Dinala sa presinto ang suspek at sinampahan ng nasabing kaso. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply