Maid na nakapatay sa amo, nadakip na

NAHULI na kagabi ang kasambahay na nakapatay sa kanyang among Filipino-Chinese sa Navotas nitong Setyembre 15.

Nakilala ang suspek na si Virginia Solomon, 23, naninilbihan sa biktimang si Cristy Geronimo, 77, ng San Guillermo St., San Rafael Village ng lungsod.

Hinataw umano ng suspek ng tubo sa ulo ang biktima sa loob ng nasabing bahay bago tumakas at kinupit ang P1,000 ng amo.

Dakong alas-8:00 kagabi nang madakip ang suspek sa pinagtaguang bahay sa Muntinlupa City.

Sa pahayag ni Solomon, nagawa lamang niyang hatawin ng tubo ang biktima dahil lagi umano siya nitong pinagagalitan.

Mag-iisang buwan pa lang ang suspek sa amo at gusto nang umalis subalit walang pera kung kaya kinuha niya ang P1,000 ng amo bago nagtago.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply