Maja Salvador makiyeme kaya nakarma!

WALANG masama! Tama ang ginawa ni Maja Salvador na magprodyus ng kanyang launching movie dahil una, may pera naman siya. Pangalawa, matagal na nitong pangarap gumanap ng kakaibang papel pero walang prodyuser na nag-alok sa kanya not even her home studio.

Kaya naman, nang dumating sa kanya ang script ng “Thelma” ay agad nitong tinanggap dahil naiiba ito sa mga inalok sa kanyang mga indie film.

Kaya lang, iba ‘ata ang naging proseso ng kanyang pagiging prodyuser dahil after two years in the production of the sais movie, doon siya inalok na maging isa sa mga producer nito.

Mismong si Paul Soriano, ang direktor ng Thelma, ang nagbuking sa presscon ng said movie na kinumbinse talaga nito ang aktres. Hindi naman maka-hindi ang aktres dahil pangalan nito in big and bold letters ang nakabalandra sa mga giant tarpauline at posters. Isa pa, this is her very first solo movie.

Hindi naman nagkamali ang aktres at katunayan, masayang-masaya ito noong second premiere night ng Thelma nang nabalitaan nitong graded ‘A’ ng Cinema Evaluation Board ang movie.

Maliban dito, official entry ito sa Hawaii International Film Festival comes October 14-15, 2011.

Sa nasabing premiere night na ginanap sa Cinema 2 ng Greenbelt 3 ay natanong namin si Direk Paul kung hindi makaaapekto sa movie ang controversy ng kanyang major star ng Thelma.

“No, I don’t believe in that,” una nitong litanya.

“The movie is another thing, away from the controversy of Maja, people will watch the movie because of its merits. I’m positive that it won’t affect the movie in general.”

Umiwas siyang magkomento tungkol sa pagka-link sa kanyang major star pero inamin niyang wala siyang alam na may relasyon si Maja kay Matteo Guidicelli prior sa pag-amin ng aktres sa “The Buzz” nitong nakaraan.

“No, I never asked Maja regarding her personal life. We don’t talk about it and I don’t do that. I mean asking privy matters of other people.”

Dagdag pa nito, nagkasama na sila ni Matteo for a couple of times pero hanggang ‘hi’ and ‘hello’ lang sila at never na pinag-uusapan nila ang kani-kanilang relationships.

Hindi nakadalo si Toni Gonzaga sa nasabing event pero in full support naman ito kasama ang kanyang pamilya sa unang premiere night ng Thelma sa SM Mega Mall noong Linggo.

Late dumating si Maja looking chic in her green evening dress. Hence, ipinakilala siya ni Direk Paul pagkatapos ng screening ng pelikula na well-applauded dahil sa ganda ng pagkagawa nito mula acting, editing hanggang cinematography.

After her speech, agad nilapitan si Maja ng press at tulad ng inaasahan, walang napiga sa kanya. Instead, iniiba nito ang usapan kapag ang tanong ay may kinalaman sa kontrobersyang ‘suntukan’ nina Coco Martin at Matteo.

“Huwag muna tayo sa intriga, dito muna tayo sa aking pelikula. Kasi ‘yung nagyari last Saturday, ‘yung iba, iniisip nilang pang-promo but hindi ko po kasalanan na may nangyaring gan’ung insidente.”
Dagdag pa nito, nagkataon lang na may nangyaring ‘away’ between Coco at Matteo sa Star Magic Ball at siya ang itinuturong dahilan sa pangyayari.

Inamin nitong beyond her control ang mga pangyayari na nasabay naman sa promo ng kanyang pelikula at dalawang premiere nights. “Yung puso ko, masaya sa nangyayari rito sa Thelma. ‘Yun lang, thank you!” pambawi nito.

At this point, nagtsatsaringan na sina Direk Paul at Maja dahil ayon sa una, best actress para sa kanya ay si Maja. Aba, ayaw ding padaig ang aktres dahil para sa kanya, best director si Paul.

But who knows ‘ika nga. Di ba?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply