Majestic health club sa Monumento, Caloocan

SA biglang tingin, ang Majestic Health Massage Club sa Monumento, Caloocan City ay establisimyento na tagpuan ng mga health buff.

Magagarang sasakyan ang makikita sa parking lot ng club na ito, pahiwatig na big-time ang mga miyembro o tumatangkilik nito.

Pero ang katotohanan, ‘di mga health enthusiast ang mga may-ari ng mga magagarang sasakyan na nakaparada rito.

Kundi mga indibidwal na ang sadya ay mga naggagandahang chiching na nagbebenta ng pansamantalang aliw.

In short, ang Majestic Health Massage Club na maki-kita sa McArthur Highway sa Monumento, Caloocan city ay ‘red house’.

‘Di masahe na ibig pakahulugan ng nagpapatakbo ng nasabing health club kundi sex ang ipinamamalas ng mga chiching dito.

Madalas akong dumaan sa Monumento at kung ‘di ako nagkakamali, dekada na ang inabot ng operasyon ng ‘red house’ na ito.

Beinte anyos pa lamang ang isa kong kumpare nang una kong marinig ang tungkol sa kalakaran sa loob ng nasabing health club.

Mahigit kuwarenta anyos na ngayon ang aking kumpare, pero nariyan at nag-ooperate pa rin ang Majestic Health Massage Club.

Ang ipinagtataka natin, ‘open book’ ang pagiging prostitution den ng health club, pero, bakit nananatili itong nag-ooperate?

Tila, hindi alam ng mga nakaraang alkalde at police chief ng lungsod na sa umiiral na  batas ang prostitution ay bawalllllll.

‘Di rin natin mawari kung bakit, ang ibang operating units ng PNP at National Bureau of Investigation ay ‘di nire-raid ang health club na ito.

Ang NCR police command na masipag mag-raid sa mga establisimyento na bumabaluktot sa batas ay nakatunganga lang.

Ang Department of Social Welfare and Development na tagapagtanggol ng karapatan ng kababaihan eh nakapagtatakang hindi kumikilos. Paging, Sec. Dinky Soliman.

Sigurado tayo, ang mga babae o chiching na nagtatrabaho sa club na ito ay ‘di kagustuhan na makipag-sex sa mga parokyano.

Pero dahil sa kahirapan at maniobra ng namamahala ng health club, ang mga babae rito’y napipilitang magbenta ng laman.

Paging CIDG director Sammy Pagdilao. Paki-raid nga, sir, ang ‘red house’ na ito.

Abangan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply