Major reshuffle ng PDEA, palpak pa rin

NAGKAROON ng major revamp sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong nakaraang Lunes pero ang nakapagtataka rito ay nailipat ang matitino at naiwan naman ang mga dorobo at mga “kawatan”.

Halimbawa na lang ang Metro Manila Regional Office o MMRO. Maraming operatiba riyan ang miyembro ng “hulidap” o mga magnanakaw  sa mga bahay na kanilang pinapasok.

Pero bakit marami pa rin sa mga ito ang naiwan at  ayon sa ating source, yung mga matitinong operatiba ang inilipat sa ibang rehiyon.

Maraming  bagong operatiba ngayon ang MMRO na galing ng ibang  rehiyon. Ano naman kaya ang mga personalidad ng mga operatibang “promdi?” Matitino kaya ang mga ito o  baka naman mas masahol pa sa mga nailipat na operatiba?

Ang dating hepe ng MMRO na si Wilkins Villanueva ay inilipat sa Preventive Education and Community  Service o PECS at itinalaga namang bagong hepe ng MMRO si dating Retired Army General Pedrito Magcino.

Ang dating Deputy ng MMRO na si Derrick Carreon, ang siya namang naging hepe ng PDEA Laboratory Service. Para sa buong MMRO Chief, Sir, mag-helmet ka ng husto at kung maaari ay gamitan mo ng kamay na bakal ang iyong mga operatiba lalo na iyong mga sangkot sa hulidap noong mga nakalipas nilang operasyon.

Sinasabing major revamp daw ang nangyaring reshuffle noong Lunes,  pero  bakit wala man lang ginawang press release dito ang PIO ng PDEA  na si Ms. Evangelyn Alminario.

Nagtataka  ang marami kung bakit ayaw pang  palitan nitong si PDEA Director, USEC Jose Gutierrez, Jr. ang kanyang PIO na si Vangie gayung wala naman itong ginagawa riyan sa kanyang departamento kundi ang magpapansin sa mga opisyal.

Ayaw ko sanang maniwala sa mga tsismis hangga’t wala akong nakikita ngunit sa mga nangyayari ay parang totoo yata ang umaalingasaw na amoy.

Gayunpaman ay nagpapasalamat pa rin ang Lily’s Files at tinugunan ni PDEA Director, USEC Gutierrez  ang ating column na i-re-shuffle ang mga operatiba ng MMRO.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply