Malakanyang may napili nang bagong PNP chief

PATULOY na nagpapakiramdaman ang ilang senior generals sa Camp Crame sa posibleng hihirangin at ihahayag ng Malakanyang na bagong PNP chief kapalit ng magreretirong si PNP chief Director Gneral Raul Bacalzo Jr.

Si Bacalzo ay nakatakdang magretiro sa Setyembre 9, sa kanyang ika-56 kaarawan, na mandatory retirement age para sa nasabing puwesto.

Kabilang sa mga umuugong na top contender at kasama sa shortlist na pinagpipilian ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino III sina PNP Deputy Dir. Gen. Nicanor Bartolome (PMA Class ’80) ng PNP directorial staff.

Ang iba pang mga kandidato ay sina PNP deputy chief for administration Deputy Director General Benjamin Belarmino Jr., classmate ni Bacalzo sa PMA Class 1977 at Deputy Director General Raul L. Castaneda, abogado at miyembro ng PMA Class 1978 na PNP deputy chief for operations.

Kasama rin sa listahan si Director Samuel Pagdilao Jr., ang hepe ng CIDG, isa ring abogado at nagmula sa PMA Class 1979.

Sina Pagdilao at Bartolome ay halos parehas ang birthday.

Si Pagdilao ay nakatakdang magretiro sa Pebrero 2013, habang si Bartolome ay sa Marso ng 2013.

Lumutang ang pangalan ni Bartolome bunsod na rin nang gawin siyang PNP chief OIC ni Bacalzo nitong nakalipas na linggo habang siya ay nasa ibang bansa.

Kung sakali, siya ang magiging ika-17 hepe ng PNP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply