Malakanyang no comment sa engagement ni Shalani

IWAS magkomento ang Malakanyang sa napaulat na engagement ni Shalani Soledad, dating girlfriend ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi sila nagkokomento sa pribadong buhay ng pangulo.

Hindi pa aniya nila ito napag-uusapan at hindi rin nito alam kung alam na ng pangulo ang naturang balita.

Sinabi ni Valte na sa mga social networking sites lang nito nakita ang kumpirmasyon sa engagement ni Soledad at Congressman Romulo.

Sa susunod na taon na umano planong magpakasal nina Pasig Rep. Roman Romulo at Valenzuela Councilor Shalani Soledad.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply