Malakanyang sinungaling — Jalandoni

TIKOM pa rin ang Malakanyang sa akusasyon ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) panel chairman Luis Jalandoni na sinungaling ang gobyerno sa tunay na isinasaad ng “terms and conditions” na gagamitin sa usapang pangkapayapaan ng magkabilang panig.

Nauna nang inanunsyo ni government peace panel chairman Alexander Padilla na kapwa nagkasundo ang pamahalaan at NDFP na walang “pre-conditions or commitments” sa dalawang partido sa isyu ng pagpapalaya ng detainees.

Subalit, binigyang diin ni Jalandoni na dapat lamang kilalanin ng pamahalaan ang mga naunang kasunduan, lalo na ang isyu ng pagpapalaya sa mga JASIG-protected person.

“The GPH (government of the Philippines) must recognize that compliance with the JASIG and the Oslo joint statements is not a precondition but an obligation,” ayon kay  Jalandoni.

Ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees ang nagbibigay ng immunity sa mga miyembro, consultants at staff ng NDFP na kalahok sa peace negotiating team.

Ang resumption ng peace talks ay inaasahang magaganap sa susunod na buwan sa Oslo, Norway.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply