Malakanyang tiwalang uusad ang peace talks

MALAKI ang tiwala ng Malakanyang na  uusad ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines (CPP)–New People’s Army (NPA) at National Democratic Front (NDF).

Bagama’t tuluy-tuloy ang  pag atake ng NPA na ang pinakahuli ay paglusob sa isang police station sa Samar na ikinamatay ng isang rebelde at sugatan ang isang pulis.

Inaasahang magpapatuloy ang formal peace talks sa susunod na buwan kasunod ng panibagong demand ng National Democratic Front (NDF).

Binigyang diin ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na patuloy ang pagsisikap ng gobyerno sa pagsusulong ng peace process.

Umaasa ang Malakanyang na magpapakita ng goodwill ang mga rebelde sa pakikipag usap sa gobyerno. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply