Malalagay na naman ang Pinas sa mapa

NITONG nagdaang huling tatlong linggo, samu’t saring pangyayari ang naglagay sa bansa sa mapa ng mundo. Isa rito ang kinatatampukan ng malalathala sa Guinness World Records. Ito ang pagkakahuli sa itinuturing na pinakamalaking buwaya na nahuling buhay sa bansa.

Ang buwaya na ipinangalan sa isa sa mga nakahuli sa kanya ay tinawag na “Lolong.” May haba itong 21 talampakan at sa katubigan ng Agusan nahuli noong Setyembre 3, 2011. Ang pagkakahuli sa buwaya ay sa pagsisikap at pamumuno ni Mayor Edwin Elorde na inaasahang tatangan sa bagong record kapag nalaktawan ang may tangang si “Cassius” na nahuli noong 2008 sa katubigang alat sa Australia na may habang 17 piye at 11.75 inches.

Sa inaasahang pagdating ng kinatawan ng Guinness at mapatunayang nasapawan na ni “Lolong” si “Cassius” tiyak na malalagay ang bansa sa kinikilalang Guinness na magiging dahilan ng pagdagsa ng mga turista.

Isa pang kaganapan na maglalagay sa bansa ay ang pagkakapanalo bilang 3rd runner-up ng Pinay entry na si Shamcey Supsup sa katatapos lang na 2011 Miss Universe Pageant sa Sau Paolo, Brazil.

Dahil sa tagumpay ni Shamcey na isang magna cum laude ng Unibersidad ng Pilipinas at topnotcher ng Architecture board exam nitong nakaraang taon, maraming humanga sa bansang Pilipinas dahil pinatunayan nito na laganap ang naggagandahan at matatalinong dilag na pang-akit para sa ating turismo. Bukod dito, karangalan din natin na isang Pinay na dati nang sikat na performer sa mga broadway show ang pagkakatanghal kay Ms. Lea Salonga na isang hurado sa beauty pageant.

o0o

Kumalat din ang balita na plano ni Pinoy pride pound-for-pound Manny Pacquiao na tatakbo sa pagka-Bise-Presidente sa 2013 election na mariing pinabulaanan ng boksingerong kinatawan sa mababang kapulungan ng Sarangani province sa pagkakaalam niya na kulang ang sapat na edad para pumalaot sa posisyon.

At sa halip na sa pwesto bilang Bise-Presidente ay pupuntiryahin niya ang pagka-gobernador para ibayong matulungan ang kanyang mga kababayan. Sa huli, tila pakulo lamang pala ito ng mga naninira o may hidden agenda sa pag-uurot kay Pacquiao na wala naman palang katotohanan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply