Malampaya funds gatasan noon, hanggayon ngayon?

PINAIIMBESTIGAHAN ng isang kongresista kung paano ginagastos ng mga pinuno ng mga ahensya ang bilyon-bilyong pondo na galing sa $4.5 bilyong dolyar na Malampaya gas project na nagsimula ang operasyon  noon pang  taong 2002.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares, ang Malampaya Fund ay bahagi  o porsyento  ng pamahalaan sa Malampaya Deep Water Gas-to-Power project ,kung saan kumukuha ng natural gas sa kailaliman ng dagat ng Palawan.

Isa sa mga nakinabang sa pondo ay ang PNP kung saan tumanggap ito ng P2.9 bilyon para sa diumanoy” disaster preparedness ” nuong 2009,bago dumating ang May 10 national elections. Ang halaga na natanggap ng PNP ay nakatala sa tatlong Special Allotment Release Orders (SARO) D-09-08074 na may petsang Nov.4,2009 sa halagang P1.6 bilyon, D-09-08965 na may petsang Dec.8,2009, sa halagang P540 milyon, at A-11-00842 na naglabas ng 150 milyon.

Hindi umano kasama sa 2009 budget ang nasabing alokasyon kaya hindi ito masilip ng Kongreso subalit may pananagutan ang mga ahensya sa pamahalaan kung paano nila ito ginastos at saan.

Nagtataka umano ang kongresista , kung bakit ang PNP ang binigyan ng alokasyon sa disaster preparedness samantalang marami pang iba ng ahensya ang kwalipikadong humawak ng programang iyon. Nakapagtataka rin umano na habang tinatapyas ng pamahalaan ang pondo ng ibang ahensya na nagbibigay ng serbisyo sa publiko ay bilyong salapi ang inaalote sa mga ahensyang tadtad ng katiwalian tulad ng PNP.

Ayon sa Konstitusyon, walang anumang babayaran ang kaban ng bayan maliban sa itinakda ng batas.

Maliban sa PNP, pinaiimbestigahan din ni Colmenares ang iba pang ahensya na kahina-hinalang nabigyan ng Malampaya fund gaya ng Agriculture Guarantee Fund Pool sa halagang P4 bilyon, Department of Agriculture, P1.8 bilyon, DPWH, P207.8 milyon, at P551.5 milyon, P500 milyon, P2.2bilyon, at Dept. of National Defense P185 milyon.

Sa talaan ng Department of Energy, ang kabuuang koleksyon ng Malampaya funds ay umaabot na sa P115.172 bilyon sa buwan ng Hunyo 30,2011 subalit wala umanong pagbabago na naramdaman ang mga tao sa paggamit ng bilyon-bilyong piso pondo.

Pinagpapaliwanag din ni Colmenares ang Pangulong Aquino kung paano nito ginamit  ang Malampaya Fund, kabilang ang P2 bilyon para sa National Power Corporation ngayung taon  na may Special Allotment Release Order F-11-00599.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply