Malawakang transport strike sa Lunes

TULOY NA TULOY na ang ikakasang malawakang tigil-pasada ng militanteng grupo ng tsuper at operators sa Lunes, Setyembre 19.

Matapos ibasura ang apela ng gobyerno, itinakda ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang transport holiday sa Lunes sa Metro Manila kasama na ang mga karatig na lalawigan.

Ayon kay Piston secretary general George San Mateo, ang gagawin nilang pagkilos ay bilang protesta sa nangyayaring overpricing ng mga malalaking kompaniya ng langis.

Hayagan ding sinabi ni San Mateo na dismayado sila sa nangyaring dialogue kahapon sa pagitan ngg Pangulong Benigno Aquino III.

Maliban sa isyu ng overpricing, kabilang pa sa mga isyu ng grupo ang kahilingang pagbasura sa oil deregulation law at 12 percent expanded value added tax sa mga petroleum products.

Wala namang balak ang ibang transport groups gaya ng Fejodap at Pasang Masda na sumama sa itinakdang transport holiday.

Matatandaan na una nang nagbabala ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi sila mangingiming kanselahin ang prangkisa ng mga transport group sakaling mauwi sa malawakang pagkaparalisa ng transportasyon ang kanilang gagawing kilos-protesta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply