Mali ba si Amb. Kenny kina PNoy at Cory?

NITONG nakaraang mga araw ay naging paksa ng mga bulung-bulungan sa mga umpukan at diskusyon sa mga peryodiko, radio at telebisyon

ang kumpidensiyal na report sa US State Department ng noon ay sugo ng America sa Pilipinas na si Embahadora Cristie Kenny, laban sa ilang malalaking personalidad at lider pulitiko sa bansa.

Hindi maikakaila na kung mayroon mang  matatawag na naging popular na mga sugo ang Estados Unidos sa Pilipinas, isa na rito marahil

si Embahadora Kenny, na ngayon ay sugo ng United States sa Thailand.

Parating nakatawa, si Kenny ay laging nakikihalubilo sa karaniwang Filipino na animo isang pulitiko at madalas mamataan sa mga pagtitipon at popular na programa sa telebisyon na nakikipagbiruan at nakikipagsayawan sa studio audience.

Marami rin siyang naging ka-twitter dito at mga kaibigang Filipino sa Facebook na kung saan mayroon siyang sariling Wall.

Subalit nitong huling mga araw ay ibang imahen ang unti-unting nabubuo sa kanya.

Marami pala siyang itinatagong sikreto sa likod ng friendly at palangiti niyang personalidad.

Naalala ko tuloy ang tagubilin at payo ni Francisco “Balagtas” Baltazar sa kanyang popular na tula na maging maingat sa mga taong lumalapit nang nakangiti.

Panay pala ang padala niya ng nakasisirang-puring cable report laban sa mga kilala at malalaking tao sa bansa katulad ng yumaong Presidente Corazon “Cory’’ Aquino at anak nitong si Presidente Benigno Aquino III, naging Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ngayon ay kongresista ng Pampanga, at ang kanyang asawa, ang naging Unang Ginoo Mike Arroyo. (Itutuloy)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply