Maliligayang araw ng pekeng pensiyonado sa PNP tinuldukan

PANSAMANTALANG itinigil ng Philippine National Police (PNP) ang pag-iisyu ng mga tseke sa may 2,150 mga benepisaryo ng mga retirado at namatay ng mga pulis habang nililinis ang listahan ng mga karapat-dapat na tumanggap ng pensiyon kaugnay ng lumutang na anomalya sa pensyon sa PNP.

Ayon kay DILG Secretary Jesse Robredo, P1 bilyon na ang nawala sa kaban ng pamahalaan simula pa noong 2006 ng magsimula ang operasyon ng sindikato.

Sa dalawang linggo lamang na pag-iimbestiga ng DILG ay natuklasan nila ang anomalya. Isa umanong dating mataas na opisyal ng PNP na wala na ngayon sa serbisyo ang nakikita nilang may kinalaman o utak ng sindikato at posibleng hanggang ngayon ay nakikinabang pa rin ito at may kasabwat pa rin sa loob ng institusyon.

Iba naman ang itinuturo ng tagapagsalita ng PNP na si Chief Superintendent Agrimero Cruz, Jr. na inatasan umano ng PNP director General na si Raul Bacalzo ang CIDG na magsagawa ng paghahanap sa isang dating pulis na nagngangalang Marlon Reyes na siya umanong pinaghihinalaang pinuno ng “pension scam.”

Nahubaran ang mga aktibidad ng sindikato ng PNP Retirement and Benefits Administration Service ng arestuhin ang may 30 miyembro ng sindikato na nagtangkang kumuha ng mga tseke para sa mga pensiyon ng retiradong pulis noong Hulyo 20, 2011.

Kinasuhan na ang mga nahuling miyembro ng syndicated estafa using fictitious name at falsification of public documents sa Quezon City Prosecutors Office. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply