Maliliit lang ang kinakasuhan, bakit?

MERON ba kayong nahahalata, Suki, ukol sa mga kiskisan ng mga maliliit at malalaki sa ilalim ng matuwid na daan?

Heto ang sampols.

Umuusok ang bumbunan ni PNoy sa ginawang sitdown strike ng mga miyembro ng Philippine Air Lines Employees Association noong kasagsagan ng bagyong Pedring.

Nagpapatuloy ang nasabing strike lalo’t tanggal na silang mahigit na 2,000 na taga-PALEA sa trabaho sa PAL simula sa Oktubre 1 o bukas.

Pananabotahe ba sa ekonomiya ang ikakaso sa kanila, Mr. President?

Makaraang mag-tigil-pasada ang mga tsuper ng dyipni at traysikel kamakailan lang laban sa pagsasamantala umano ng mga kompanya ng langis sa kanila, prangkisa naman ng mga ito ang gustong tanggalin nina PNoy.

oOo

Sa kabilang banda, hindi natin maringgan si PNoy o mga tsuwariwap nito ng reklamo laban sa mga may-ari ng PAL na gustong gawing kontraktuwal na ang halos lahat ng obrero nito.

Lalong tameme sila sa hudyat na ang kaso ng PALEA ang pasimula ng malawakang pagpuwersa sa lahat ng mga obrero  na maging kontraktuwal.

Mayroon namang balita sina PNoy na buksan ang libro de kuwenta ng mga kompanyang langis na pinagsususpetsahang nag-ooberprays ng petrolyo.

Pero hanggang ngayon ay wala pang naririnig na pagkilos ang mga ito.

oOo

Mabilis sa pagsakal nina PNoy sa mga maliliit kung nagrereklamo ang mga ito dahil sa hirap, gutom at kawalan ng kinabukasan sa kamay ng mga dambuhalang kompanya at negosyante.

Pero hindi sila makitaan ng pareho o katumbas na aksyon laban sa mga kompanya at negosyante na gumugu-tom, nagpapahirap at nagsasara ng kinabukasan ng mga maliliit.

Bakit, PNoy, bakiiittt?

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply