Mambabatas suportado ang paggamit ng Filipino sa RH bill debate

MARIING sinuportahan ng mambabatas ang panukalang gawing Filipino ang debate sa Reproductive Health (RH) bill.

Ang panukala ni Senador Lito Lapid ay suportado ni Rep. Erwin Tieng upang higit na maunawaang ng mamamayan kaugnay sa inilalatag na batas.

Ayon kay Tieng, hindi naman mabababoy at magiging maayos naman ang debate kung hindi gagamit ng mga bulgar na salita at kung lilimitahan lamang ang paggamit ng sekswal na salita.

Naniniwala rin ang Kongresista na magiging malinaw para sa publiko ang lahat ng punto ng panukalang batas kapag ginamit ang wikang Filipino sa pagtalakay rito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply