Mangingisda natusta sa kidlat

NATAGPUAN ang bangkay ng isang mangingisda na pinapalagay na tinamaan ng kidlat habang nasa laot sa Ilocos Sur.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Philippine Coast Guard, ang bangkay ng biktimang si Herbert Kilapu ay nakitang nagpalutang-lutang sa karagatan Huwebes ng umaga.

Nang matagpuan ang biktima ay wala na itong buhay at punum-puno ng sunog sa katawan na tila nakuryente.

Nabatid na noong Lunes pa (Setyembre 12) nawawala ang biktima matapos na pumalaot sa dagat upang mangisda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply