Manila police naka-heightened alert bukas sa Quirino Grandstand

NAKA-HEIGHTENED alert ang Manila Police District bukas (Sabado, Setyembre 2) sa Quirino Granstand sa Maynila kung saan gaganapin ang face-off nina Filipino boxing icon Manny Pacquiao at Mexican boxing legend Juan Manuel Marquez para sa promosyon ng kanilang laban sa Nobyembre sa Las Vegas Nevada.

Ipakakalat ng ang may libong kapulisan sa paligid ng Quirino Grandstand.

Sinabi ni MPD-Director Chief Supt. Roberto Rongavilla na ang mga pulis na itatalaga sa nasabing venue ay naka-hightened alert dakong alas 6:30 ng umaga.

Kabilang sa 1,000 police personnel ay ang mga miyembro ng Special Weapons and tactics (SWAT) at Civil Disturbance Management units.

Umapela rin si Rongavilla sa mga tagahanga nina Pacquiao at Marquez na huwag nang magdadala ng mga mamahaling gamit upang makaiwas sa mga snatcher.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply