Manny Pacquiao bye-bye boxing sa 2013

KUMPIRMADO nang magreretiro si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa 2013 para tumakbong gobernador ng naturang lalawigan.

Sa panayam ng mamamahayag ngayong hapon, sinabi ni Pacquiao na nagkasundo na sila ni Sarangani Governor Miguel Rene Dominguez na magpalit ng posisyon sa susunod na eleksyon.

“Last term ng gobernador namin so siya ang tatakbong congressman ako ay governor magpapalit lang kami,” pagkumpirma pa ni Pacquiao.

Aniya, ang pagreretiro ay sumagi sa kanyang isip dahil bilang isang gobernador ay mahihirapan na siyang lumiban upang mag-ensayo at magtungo sa ibang bansa.

“Marami na kasi akong gusto na masasabi kong na-accomplish na pero hindi pa naman ngayon iyong retirement by 2013 pa iyon,” ani Pacquiao.

Sa balitang tatakbo siya bilang presidente, sinabi ni Pacquiao na hindi pa siya kuwalipikado maging sa pagka-bise presidente dahil sa age requirement.

“Hindi pa tayo qualified tumakbo sa pagka-vice president siguro kapag nagkaroon ng pagbabago sa age requirement.  Bilang presidente wala talaga pa, hindi ko pa inisip iyan.”

Sa paglutang naman ng pangalan ni Batangas Governor Vilma Santos bilang vice president niya agad itong pinabulaanan ni Pacquiao sa pagsasabing “hindi ko alam kung saan nanggaling ang balitang iyan.”

Nagpasya ang kongresista na tumakbo bilang gobernador sa pagsasabing “kaya ako mag-go-governor sa 2013 ay gusto kong ma—experience ang executive gusto ko kasi iyong ako mismo ang gumagawa at  nagpapa-implement ng batas na ito. And gusto ko ay ma-implement kaagad. Sa tingin ko mas marami akong magagawa as executive. Ako ay maaksyong tao dahil gusto ko ay magawa agad at ma-implement agad.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply