Manny Pacquiao may ‘K’ tumakbong VP sa 2016

KARAPATAN ni Sarangani Congressman Manny Pacquiao na tumakbo sa pagka-bise-presidente sa 2016 presidential elections.

Sinabi ni presidential communications development and strategic planning office Secretary Ricky Carandang na malaya ang kahit na sinuman na tumakbo sa anumang posisyon na kanyang naisin.

“It is a testament to our democracy that Manny Pacquiao, who grew up poor and worked hard to succeed can aspire to the second highest office,” ayon kay Carandang.

Sinusugan naman ito ni presidential adviser for political affairs Ronald Llamas sabay sabing “karapatan n’ya kung gusto niyang tumakbo bagama’t hindi pa ito napag-uusapan sa Palasyo.”

Matatandaang unang naakit si Pacquiao na sumali sa pulitika noong 2007 kung saan ay tumakbo ito sa pagka-kongresista ng General Santos City, subalit nilampaso ng beteranang pulitiko na si Darlene Antonino-Custodio.

Hindi pa rin nakawala sa kaway ng pulitika si Pacquiao kaya’t sinubukan na muling tumakbo bilang mambabatas sa Sarangani province kung saan sa pagkakataong ito ay natalo niya si businessman Roy Chiongbian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply