Mansion ni Pacman sa LA nilooban: 4 suspek arestado

ARESTADO ang apat katao makaraang manloob umano sa mansion ni Manny Pacquiao sa Hancock Park sa Los Angeles.

Hindi pa batid ng mga rumespondeng pulis kung ano ang mga nanakaw sa loob mismo ng bahay ni Pacman habang pinipilit ding kontakin ng mga awtoridad ang pambansang kamao na nabatid na out of town.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa nagbibigay ng reaksyon ang kampo ni Pacman sa media.

Bihirang puntahan ni Manny ang mansion nito sa Amerika dahil mas ninanais nitong manatili sa Pilipinas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply