Mapanghimasok sa usaping pang-gobyerno

BIGYAN po natin ng daan ang reaksyon ng isang concerned citizen kaugnay sa umano’y panghihimasok ng ilan sa mga kaparian ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa usaping pang-gobyerno.

Ang tinutukoy rito ng concerned citizen ay itong si Lingayen Archbishop Oscar Cruz na wala yata umanong alam sa mga nilalaman ng constitution.

Mahilig kasing manghimasok ang nasabing Bishop sa mga usapin na may kinalaman sa gawain ng gobyerno.

Palagi kasing kinokontra ni Bishop Cruz ang mga gawain ng gobyerno kahit  malaki ang nagiging pakinabang dito ng mamamayan.

Basahin natin ang kabuuang nilalaman ng reaksyon ng concerned citizen.

Morning, Sir Johnny. Ano ba yang si Archbishop Oscar Cruz. Walang alam sa constitution. ‘Di ba niya alam na sa 1987 Philippine Constitution ay may separation ang state  at church?

So bakit palagi na lang silang nanghihimasok? Bakit ‘di na lang niya i-focus ang attention niya sa mga iskandalo na kinasasangkutan nila?

Gaya ng sa Philippine Charity Sweepstakes Office, yung panghahalay ng kanilang mga kaparian sa mga menor de edad na babae at iba pang mga iskandalo na kalimitang nasasangkot ang mga kaparian.

Salamat po.

UNTOUCHABLE SA tserman AT MAYOR

Silipin natin itong sandamukal na peryahan ni Aling Tessie na ‘front’ ng iligal na sugalan.

Nariyan ang puesto pijo na peryahan at kunwari recreation pero front ng iligal na pasugalan ni Aling Tessie sa Sariaya at Tayabas sa lalawigan ng  Quezon.

Kontrolado lahat ni Aling Tessie ang operasyon ng peryahan sa nasabing lalawigan dahil ultimo barangay tserman hanggang mayor  ay may lagay sa kanya.

Anomang reklamo o puna, i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply