Mapanlait na tatay, kinatay ng sariling anak

PATAY ang isang tatay nang mabuwisit ang kanyang anak sa kanyang pangungutya para pagsasaksakin ang una sa Sto. Rosario, Delfin Albano, Isabela.

Nabatid na sinaksak ng suspek na si Willy Cardona, 40, sa lalamunan ang amang si Washington Cardona, 68 na naging sanhi ng agad niyang kamatayan.

Sa imbestigasyon , nag-iinuman ang mag-ama sa kanilang bahay nang kutyain ng ama ang mahirap na kalagayan ng anak.

Dahil sa galit ni Willy ay kumuha ito ng patalim saka sinaksak sa lalamunan ang sariling ama.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply