Marami ang Koreanong madudugas at gangster

SA MAKATI City, nagkalat daw ang Korean stores at restaurants na pawang hindi nag-iisyu ng Bureau of Internal Revenue receipts partikular sa kanilang mga Pilipinong kostumer.

Bagkus ay resibo raw na sulat-Koreano ang nakalagay sa ibinibigay at nagagalit pa raw ang mga Koreanong nagmamantine ng kanilang tindahan at restaurants kapag hinihingan sila ng matinong resibo.

Aba eh, hindi puwede sa ating gobyerno ang ganitong estilo.

Paano nga naman nating malalaman na nagbabayad sila ng tamang buwis kapag resibong Koreano ang ibibigay nila sa atin?

Dapat bantayan ng Makati City Hall at district office ng BIR ang reklamong ito.

Isa-isahin ang lahat ng Korean stores at restaurants sa Makati City!

Huwag n’yo lang peperahan, ha?

Sa totoo lang, marami ang Korean sa ating bansa na hindi lang mali ang pagnenegosyo kundi gangsters mismo at malayang nakapaghahanap-buhay ng iligal at kumikita ng limpak-limpak na salapi nang walang binabayarang buwis sa ating pamahalaan.

May mga Koreano rin na nagpapanggap na mediamen at iligal na gumagawa ng mga pahayagang Koreano na gamit nila bilang panakot at pangikil sa kapwa nila Koreano din.

Ang iba naman ay pinansyer o ahente sa casino, yun bang nagdadala ng mga Koreanong player dito sa atin para magsugal lang na kadalasan ay talo kinalaunan.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit parami ng parami ang bilang ng mga Koreano na iligal na nanunuluyan sa ating bansa.

Ang nakapagtataka lang ay kung bakit hindi sila matukoy ng Bureau of Immigration.

Kaya magandang umpisahan kaagad itong Korean Desk ng CIDG!

****

Anomang reklamo, komento o suhestiyon, mag-text o tumawag lang sa 0999-4333437 o kaya’y mag-email lang sa boyetmunar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply