Marami ang nagsisisi

BAKIT kaya napakarami ang nagsisisi sa pagboto nila kay PNoy bilang boss ng buong repablik ni Juan?

Kahit saan, dinig na dinig ang boses ni Juan sa pagsisisi.

Mabilis na nawala  ang kanilang amor sa sanga ng puno na itinanim ni Cory sa lupa ni kumrad Mao Zedong.

Wala pala umanong magandang bunga ang sinasabing “matuwid na daan.” Islogan lang!

oOo

Paano nga naman kasi, kabaligtaran ni PNoy umano ang islogan ni Mambo Magsaysay.

Noong panahon ni Manong Mambo, naging gabay niya ang “Hindi baleng malugi ang gobyerno, huwag lang magutom ang tao.” Ngayong si PNoy ang nakaupo sa Palasyo, lumalabas na “Hindi bale nang magutom ang tao, magkadatung lang ang gobyerno.”

Naging magaan ang kalooban ni Juan noon sa gobyerno ni Mambo Magsaysay. Ngayon, mabigat na mabigat ang kalooban ni Juan kay PNoy. Bakit kaya?

oOo

Kasi naman, ngayon lang nangyayari na sabay-sabay ang mga masasakit na paghaplit kay Juan ng gobyerno at ang tama ay sa sikmura.

Dobleng bayad sa kuryente at toll sa mga haywey, mahal na langis dahil sa EVAT, 20-200 porsiyentong pagtataas ng mga sedula, lisensiya, sertipiko, prangkisa, permit, klirans, pasahe sa LRT at MRT at iba pa.

Wala namang kakambal na ginhawa rito gaya ng pagtataas sana ng sahod at kita ng mamama-yan at pagpigil sa rumaragasang kontraktuwalisasyon sa hanay ng mga obrero.

oOo

Alam mo ba, PNoy, na kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan, eh, buburahin ni Juan ang iyong ngalan sa kasaysayan?

Walang lugar sa buhay ni Juan ang gobyernong mayaman at mamamayang lugmok sa kagutuman.

May limang taon ka pang magpakitang gilas.

Hindi yung magkaroon ng Zero sa lablayp.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply